30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Panibagong oil price rollback ipinatupad

- Advertisement -

Nagpatupad muli ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa ika-anim na sunod na linggo.

Epektibo mamayang alas-6:00 ng umaga, ipatutupad ng Seaoil, Jetti Pump at Petro Gazz ang P1.30 na tapyas sa kada litro ng kanilang gasolina, P1.10 sa kada litro ng diesel habang P0.80 naman sa kada litro ng kerosene.

Habang simula alas-6:00 ng umaga bukas, Martes, magtatapiyas naman ang Shell, Caltex at PTT Philippines ng P1.25 sa kada litro ng gasolina, P1.10 kada litro ng diesel at P0.80 sa kada litro ng kerosene.

Samantala una nang nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum noong Sabado gayundin ang clean fuel at Unioil kahapon, araw ng linggo.

Ang tapyas presyo ay bunsod pa rin ng patuloy na pagbaba naman ng presyo imported na langis sa world market.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -