Surigao del Norte at Ilocos Norte niyanig ng lindol
October 25, 2018
Mahigit 1.2 Milyong Piso Na Financial Assistace Sa Mga Pamilya Ng Namatay Sa Banggaan Ng Van At Jeep, Naibigay Na!
October 25, 2018
Show all

Panibagong oil price rollback asahan sa susunod na linggo

Inaasahan na ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay ito sa resulta ng trading sa world market mula Lunes hanggang Miyerkoles.

Sa loob lamang ng tatlong araw na trading ay nasa piso at tatlumpu’t apat na sentimos (P1.34) na ang natapyas sa imported na gasolina at mahigit sa apatnapung sentimo (P0.40) sa diesel.

Maaari pa magbago ang mga presyo sa trading hanggang Biyernes.

Kung sakali ay ito na ang ikatlong linggo na matatapyasan ang presyo ng mga produktong petrolyo.

—-

 

 

 

Comments are closed.