36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo naka-amba ngayong linggo

- Advertisement -

May naka-amba na namang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong linggong ito.

Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, inaasahang papalo mula dalawampu hanggang tatlumpung sentimos ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Tinatayang nasa lima hanggang sampung sentimos naman ang posibleng umento sa kada litro ng gasolina habang nasa limang sentimos o posibleng hindi na gumalaw ang presyo sa kada litro ng kerosene o cooking gas.

Samantala, pinag-aaralan na ng iba’t-ibang kumpaniya ng langis ang kautusan ng doe o department of energy na magbenta ng euro 2 diesel sa mga PUV o public utility vehicles.

Kanila munang aalamin kung ano ang magiging epekto nito sa mga pampublikong tsuper at kung ito ba’y makatutulong din sa kalikasan.

Sa panig naman ng Indpendent Petroleum Players Association, sinabi ni IPPCA President Bong Suntay na masyadong magastos kung magbebenta sila ng euro 2 diesel sa mga pampublikong sasakyan.

Kung ang intensyon aniya ay pababain ang presyo ng diesel sa lokal na merkado, makabubuti nang suspindehin ang ipinapataw na excise tax sa diesel.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -