28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pangulong Duterte walang planong magdeklara ng martial law bilang tugon sa problema vs. iligal na droga

- Advertisement -

Walang plano si Pangulong Duterte na magdeklara ng martial law para tugunan ang problema sa iligal na droga.

Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bagamat uubra naman aniyang mag deklara ng pangulo ng batas militar lalo na kung nakasalalay ang seguridad ng publiko.

Sinabi ni Panelo na epektibo parin ang kampanya kontra iligal na droga kahit may mga ilan parin nito na nakakapasok sa bansa dahil sa laki ng pera at geography ng Pilipinas.

Iginiit ni Panelo na bahagi ng utos ng pangulo sa mga otoridad na maging mas aktibo sa intelligence gathering para mas marami pa ang mahuli at mapanagot.

Magugunitang inihayag ng pangulo na mas magiging madugo pa ang kampanya sa droga sa mga susunod na araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -