32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pangulong Duterte walang balak buwagin ang K-12 program

- Advertisement -

Wala umanong balak si Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang implementasyon ng K-12 program.

Ito ang nilinaw ng Malakaniyang matapos mapaulat na tatanggalin na ang K-12.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang anumang iniutos ang pangulo kaugnay sa pagtatanggal o pagsusupindi man ng K-12 program.

Sa ilalim ng K-12, dinagdagan ng dalawang taon ang kasalukuyang apat na taong pag aaral ng mga estudyante sa high school.

Una rito, nilinaw na rin ng Department of Education o DepEd na ni-review lamang ng kanilang hanay ang nasabing programa ngunit hindi ito bubuwagin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -