28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Pangulong Duterte wala pang itinalagang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority

- Advertisement -

Wala pang itinatalagang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ginawang paglilinaw ng OPAPP o Office of the Presidential Adviser on Peace Process taliwas sa kumakalat na listahan ng mga umano’y itinalagang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Online.

Ayon sa OPAPP, peke ang nasabing post dahil wala pang pinal at opisyal na listahan ng appointees.

Dagdag ng OPAPP, nakapagsumite na sila sa Office of the President ng listahan ng mga nominado para maging bahagi ng Bangsamoro Transition Authority.

Binigyang diin pa ng ahensiya, tanging si Pangulong Duterte lamang ang pipili at magtatalaga ng bangsamoro transition authority officials.

Kasabay nito, pinapayuhan ng OPAPP ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa at ibinabahagi sa social media.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -