Pangulong Duterte umaming minsan na ring tumikim ng marijuana

by Powered by DWIZ
0 comment
Pangulong Duterte umaming minsan na ring tumikim ng marijuana

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na minsan na siyang tumikim ng marijuana.

Sa kanyang talumpati sa Malakanyang, inihayag ni Pangulong Duterte na bagaman naka-mamatay ang kanyang mga schedule sa mga international conference, hindi siya masyadong apektado at nananatiling gising dahil sa marijuana.

Una nang inihayag ng Malakanyang na halos hindi nakatulog si pangulong duterte sa kanyang schedule sa mga pulong sa 33rd ASEAN Summit sa Singapore noong isang buwan dahil sa mabigat na workload at kinailangang umidlip.

“It’s a killing activity and I think my age, ako hindi masyado kasi nagma-marijuana ako eh para magising. Sa iba, hindi na kaya,” Pahayag ni Duterte.

Gayunman, kumambyo ang pangulo sa ambush interview at nilinaw na nagbibiro lamang siya sa kanyang pahayag.

“It was a joke, of course it was a joke pero nobody can stop me from just doing my style. Minsan sabi ninyo misogynist ako biro ako ng ganoon, that’s my style, it’s too late to change. If I want to joke, I will joke. Ngayon kung maniwala kayo edi gago,” Ani Duterte.

Related Posts