32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pangulong Duterte tiwala sa intelligence gathering ng bansa— Malakanyang

- Advertisement -

Isinantabi na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglipana ng mga POGO hubs o Phil. Offshore Gaming Operators malapit sa mga kampo militar.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiwala ang pangulo na sa makabagong teknolohiya ngayon, kaya ng China na makapang-ispiya kahit na hindi ito magtayo ng mga POGO hubs malapit sa mga kampo militar ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Panelo na maari rin namang magsagawa ang Pilipinas ng security gathering sa harap ng banta sa seguridad ng bansa sa paglipana ng mga POGO hubs.

Dagdag pa ni Panelo, hindi maikakaila ang galing ng mga Pilipino pagdating sa intelligence gathering lalo na’t may sapat na teknolohiya na ang Pilipinas.

“Although it’s not a serious concern, there is a potential. Because according to him (President Duterte), okay ang ating capabilities sa intelligence information kaya hindi siya nag wo worry. He’s not worried because we have the intelligence capability knowing what they are doing.”— Pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -