Pangulong Duterte sa bahay lang magbabakasyon ngayong Semana Santa

by Powered by DWIZ
0 comment
Pangulong Duterte sa bahay lang magbabakasyon ngayong Semana Santa

Kung mayorya ng mga Pinoy ay kanya-kanyang biyahe sa mga probinsya upang samantalahin ang mahabang holiday break ngayong mahal na araw, mananatili at magpapahinga lamang sa kanyang bahay sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakagawian na ni Pangulong Duterte na sa piling ng kanyang pamilya ginugugol ang holiday break.

Pagkatapos aniya ng pagdalo sa campaign sorties ng administration party sa lalawigan ng Batangas sa Miyerkules Santo ay uuwi na ang pangulo sa Davao City.

Nananatiling naka-monitor ang punong ehekutibo sa mga kaganapan sa bansa sa panahon ng bakasyon sa pamamagitan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)
—–

Related Posts