31.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pangulong Duterte pinangunahan ang pagtatapos ng 200 kadete ng PNPA

- Advertisement -

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang graduation rites o pagtatapos ng nasa dalawandaang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Sansiklab Class of 2019 sa Camp Castañeda, Silang sa Cavite.

Kabilang sa mga dumalo si Vice President Leni Robredo at mga top official ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Batay sa datos ng PNP, nasa 47 babaeng kadete ang nagsipagtapos ngayong taon kung saan anim sa mga ito ang pasok sa top ten.

Kaugnay nito, mapapabilang sa hanay ng PNP ang 138 kadete mula sa mga nagsipagtapos, 41 naman ang mapupunta sa Bureau of Fire Protection habang 22 ang makakasama sa puwersa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Samantala, nangangahulugan naman ang Sansiklab na sandigan ng mamamayan na may sigasig na itaguyod ang kapayapaan at ipaglaban ang bayan.

with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -