32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pangulong Duterte pinagreretiro na si Sen. Pacquiao sa pagbo-boxing

- Advertisement -

Pinagreretiro na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Manny Pacquiao matapos nitong makuha ang World Boxing Association Welterweight Belt mula kay Argentinian Boxer Lucas Matthysse.

Pinaluhod ng 39-year-old Filipino legend si Matthysse sa round 7 ng kanilang laban kanina sa Kuala Lumpur, Malaysia na personal na sinaksihan at pinanood ng punong ehekutibo.

Ayon kay Pangulong Duterte, gusto niyang makita ang kanyang kaibigan na nagpapahinga na sa pagboboksing at i-enjoy na lamang ang kanyang buhay.

Pahayag ng pangulo, wala nang magiging problema si Pacquiao sakaling magretiro dahil sobra-sobra na aniya ang pera nito.

Dagdag ni Pangulong Duterte, gagawin niyang inspirasyon sa kanyang pakikipag-dayalogo kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad ang tagumpay ng pambansang kamao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -