Pangulong Duterte pinagbalawan munang bumisita ang mga turista sa Zamboanga

Pangulong Duterte pinagbalawan munang bumisita ang mga turista sa Zamboanga

by Powered by DWIZ
0 comment 54 views

Pinagbawalan munang bumisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga turista sa lalawigan ng Zamboanga.

Ito ay kaugnay ng pananatili ng banta ng ISIS-inspired na Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Pangulong Duterte, sa ngayon hindi muna niya inirerekomenda ang pamamasyal sa naturang lugar.

Aniya, karamihan ng mga dayuhan na nagtutungo sa Zamboanga ay binihag lamang, at hiningan ng ransom ng bandidong grupo.

Paliwanag pa ng pangulo, nais lamang niyang matiyak na ligtas ang mga lokal at dayuhang turista na bumibisita sa iba’t ibang panig ng bansa.

—–
0 comment

Related Posts