31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Pangulong Duterte pina iimbestigahan ang PHISGOC

- Advertisement -

Pina-i-imbestigahan na ni Pang. Rodrigo duterte ang alegasyong sangkot sa korapsyon ang PHISGOC o Phil. Southeast Asian Game Organizing Committee Foundation Incorporated kung saan naka-upo si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang Chairman.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, Standard Operating Procedure na ang paiimbestigahan ang anumang organisasyon na nasasangkot sa korapsyon.

Una rito, sinabi ni Panelo na pinagbawalan ng pangulo ang PHISGOC na maging bahagi sa pag-o-organisa ng Southeast Asian Games na gaganapin sa buwan ng Nobyembre dahil sa isyu ng katiwalian.

Dagdag pa ni Panelo, maari rin kasing hindi maasikaso ni Cayetano ang pag-o-organisa sa Sea Games dahil posible anya itong maging abala kapag naupo itong House Speaker sa 18th Congress.

Sa ngayon, nilinaw naman ni panelo na buo pa rin naman ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Cayetano at naniniwala ito na hindi sangkot ang kongresista sa katiwalian sa PHISGOC.

Matatandaang, una nang nasangkot sa kontrobersiya ang PHISGOC dahil sa Overpriced na Uniform, Training Gears, mga medyas na para sa mga Filipinong Atleta na lalahok sa Sea Games.

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -