Pangulong Duterte nilagdaan na ang 4Ps

by Powered by DWIZ
0 comment
Pangulong Duterte nilagdaan na ang 4Ps

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Layon ng Republic Act 11310 na mabawasan ang kahirapan ng maraming mahirap na pamilyang Pilipino.

Sa ilalim ng bagong batas, magbibigay ang gobyerno ng conditional cash transfers (CCT) sa mga kuwalipikadong mahihirap na pamilya sa loob ng pitong taon.

Kabilang sa mga kuwalipikado ang mga magsasaka, mangingisda, walang tirahan, indigenous peoples, informal sector at iyong naninirahan sa isolated at disadvantaged areas tulad ng mga hindi inaabot ng kuryente.

——

Related Posts