Pangulong Duterte nakatakdang bumisita muli sa Japan

by Powered by DWIZ
0 comment
Pangulong Duterte nakatakdang bumisita muli sa Japan

Nakatakdang bumisita muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan sa katapusan ng Mayo.

Ito, ayon sa Malakanyang, ay upang mapatatag ang ugnayan ng dalawang bansa.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dadalo ang pangulo sa International Conference on the future of Asia sa Japan sa Mayo 30 hanggang 31.

Ito na ang magiging ikatlong pagbista ni Pangulong Duterte sa Japan alinsunod sa imbitasyon ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

—–

Related Posts