‘Measles task force’ binuo ng DOH
February 12, 2019
Chinese national na sinabuyan ng ‘taho’ ang isang pulis sa MRT kakasuhan na
February 12, 2019
Show all

Pangulong Duterte muling nanawagan sa mga rebeldeng grupo

Muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t-ibang rebeldeng grupo sa Mindanao na magbalik loob na sa pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Duterte, makasisiguro ang mga ito na makakamit na ang tunay na kapayapaan sa buong Mindanao sa pamamagitan ng BOL o Bangsamoro Organic Law.

Ito rin aniya ang dahilan kaya’t pinag sisikapan ng pamahalaan na makausap si MNLF o Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari.

Paliwanag ng pangulo, sakaling makiisa ang grupo ni Misuari sa pamahalaan ay madaling malalabanan ng gobyerno ang iba pang teroristang grupo gaya na lamang ng ISIS.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)

Comments are closed.