Pangulong Duterte muling binanatan ang Otso Diretso

Pangulong Duterte muling binanatan ang Otso Diretso

by Powered by DWIZ
0 comment 71 views

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga natalong kandidato ng Otso Diretso.

Sa talumpati sa harap ng Filipino community sa Japan, sinabi ng pangulo na Otso Diretso sa impyerno ang mga kandidato ng oposisyon.

Hindi rin nakaligtas sa pangulo ang mga kaalyado ng oposisyon na natitira sa Senado.

Ayon sa pangulo wala namang nagawa ang mga ito kundi puro daldal.

Magugunitang nuong nakalipas na eleksyon, lahat ng inendorso ni Pangulong Duterte ay nanalo sa senatorial race habang ni isa sa kandidato ng oposisyon ay walang nakapasok.

——
0 comment

Related Posts