30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pangulong Duterte may patutsada sa mga nakaupong senador

- Advertisement -

Pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasalukuyang nakaupong senador.

Ayon kay Pangulong Duterte, karamihan sa mga naka-upo sa Senado ay hindi karapat-dapat na manilbihan sa bansa.

Aniya, walang ginawa ang mga senador na ito kung hindi punahin ang kapwa nila pulitiko habang wala naman silang naidudulot na maganda sa Pilipinas.

Bagaman hindi pinangalanan ng Pangulo ang mga nasabing senador, tinukoy naman nito ang isang senadora na tila aniya hindi ginagamit ang kanyang napag-aralan dahil patuloy ang pagbibigay nito ng mga pahayag na mistulang hindi pinag-isipang mabuti.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -