Pangulong Duterte itinangging nakikialam siya sa House of Representatives

by Powered by DWIZ
0 comment
Pangulong Duterte itinangging nakikialam siya sa House of Representatives

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakiki-alam siya sa usaping panloob ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay matapos namang kanyang i-endorso ang paghahati sa termino bilang House speaker nina Taguig City Representative Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Ayon kay Pangulong Duterte, nais niya lamang matigil na ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga miyemro ng House of Representatives dahil sa usapin ng speakership.

Dagdag pa ng pangulo, mismong ang kanyang mga kaalyadong kongresista na ang lumalapit at nagtatanong kung sino ang kanyang kandidato para maging House speaker.

Binigyang diin naman ni Pangulong Duterte na nasa kamay pa rin ng mga mambabatas ang pagpili sa House speaker dahil kanila pa itong pagbobotohan sa pormal na pagbubukas ng 18th Congress sa July 22.

“That is just a privilege actually. We are just trying to end up the impasse. Nobody was sure to vote for whom and the keep on asking “sino yung kandidato ni presidente?”. So I said, “if you can resolve the matter comfortably between you, then do it. I hate to intrude but apparently, considering what happened in the last few days and malapit na ang session, my statement would really be “it’s time for me talk.”— Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Related Posts