Pangulong Duterte hinamong magpa-drug test ni Trillanes

by Powered by DWIZ
0 comment
Pangulong Duterte hinamong magpa-drug test ni Trillanes

Muling hinamon ni Senador Antonio Trillanes IV ang Pangulong Rodrigo Duterte na magpa-drug test.

Kasunod ito ng pahayag ng Pangulo na gumamit siya ng marijuana para makaagapay sa matinding schedule noong ASEAN Summit.

Huli na aniya ang paliwanag ng Pangulo na nagbibiro lamang siya tungkol sa marijuana dahil bistado na siyang durugista.

Ayon kay Trillanes, kung nais talaga ng Pangulo na patunayang, biro lamang ang kanyang pahayag, dapat ay sumailalim ito sa drug test.

Matatandaang dati na ring hinamon ni Trillanes ang Pangulo na magpa-drug test subalit ang senador lamang ang nagpasuri at lumabas namang negatibo ito sa paggamit ng kahit anong illegal substance.

(Ulat ni Cely Bueno)

 

 

 

Related Posts