32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Pangulong Duterte dumalo sa ikalawang araw ng APEC

- Advertisement -

Dumalo pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang araw ng APEC o Asia Pacific Economic Cooperation ngayong araw.

Taliwas ito sa naging pahayag ng Malakanyang na mapapaaga ang uwi ng pangulo at hindi na nito tatapusin ang natitira pang aktibidad ng APEC.

Kabilang sa dinaluhan ng pangulo ay ang APEC leader’s dialogue kasama ang IMF o International Monetary Fund.

Nakasama na rin ang pangulo sa family picture ng matatas na lider na miyembro ng APEC ngayong araw.

Matatandaang kahapon ay hindi dumalo sa APEC gala night si Pangulong Rodrigo Duterte at kinatawan na lamang siya ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -