Pangako ng Mislatel na mapaganda ang telecommunication industry sa bansa tiniyak – NTC

Pangako ng Mislatel na mapaganda ang telecommunication industry sa bansa tiniyak – NTC

by Powered by DWIZ
0 comment 88 views

Makatitiyak ang publiko na tutuparin ng ikatlong telco player na Mislatel Consortium o Dito Telecommunity Corporation ang kanilang ipinangako para mapaganda ang industriya ng telekomunikasyon sa bansa.

Ayon kay National Telecommunications Commission deputy commissioner Ed Cabarios, kabilang sa ipinangako ng third telco sa kanilang unang taon ang mabigyan na ng serbisyo ang nasa 37% ng populasyon.

Gayundin ang minimum na bilis ng kanilang internet signal na 27megabits per second (Mbps).

Sinabi ni Cabarios, isasailalim nila sa audit ang Mislatel matapos ang isang taon magmula ng ipagkaloob ng pamahalaan ang certificate of public convenience and necessity nito para makita kung natupad ang kanilang pangako.

Sakali aniyang mabigo ang third telco, hindi na nila mababawi pa ang kanilang performance security bond mula sa pamahalaan at posible rin silang mapatawan ng iba pang parusa.

Pag hindi nila nagawa ‘yung commitment nila, ‘yung performance security po ang magpo-forfeit. Halimbawa hindi sila nagcocomply naman sa mga performance standards po natin, pagmumultahin po sila ng komisyon base sa mga umiiral na batas po natin. Minomonitor po iyan,” ani Cabarios.

Ratsada Balita Interview

0 comment

Related Posts