Panelo tumangging magbigay ng komento sa ulat na bibigyan ng pwesto si Albayalde pagkaretiro nito

Panelo tumangging magbigay ng komento sa ulat na bibigyan ng pwesto si Albayalde pagkaretiro nito

by Powered by DWIZ
0 comment 34 views

Tumanggi si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magkomento sa ulat na bibigyan ng puwesto sa pamahalaan si PNP Chief General Oscar Albayalde oras na magretiro na ito.

Ayon kay Panelo, walang siyang alam hinggil sa nabanggit na ulat at ayaw niya ring magbigay ng espekulasyon.

Aniya, makabubuting kung hihintayin na lamang ang anunsiyo mismo mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag ni Panelo, nananatili pa rin ang tiwala ng Pangulon kay Albayalde sa kabila ng mga kinsangkutan nitong kontrobersiya tulad ng pagbibigay proteksyon umano sa mga ninja cops.

Samantala, sa usapin ng pagsasailalim sa lifestyle check ng mga miyembro ng PNP, sinabi ni Panelo na isa itong magandang ideya kung saan maging ang mga pinuno ng kagawaran ng pamahalaan ay dapat ding maisama.

0 comment

Related Posts