Panelo kumasa sa hamon na mag commute sa gitna ng matinding trapik sa Metro Manila

Panelo kumasa sa hamon na mag commute sa gitna ng matinding trapik sa Metro Manila

by Powered by DWIZ
46 views

Kumasa si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa hamon na mag – commute sa gitna ng matinding trapik sa Metro Manila.

Nag ugat ang hamon matapos na pabulaanan ni Panelo na walang traffic crisis sa bansa sa kabila ng naging insidente sa LRT 2 at iba pang problema sa trapiko.

Sinabi ng grupong BAYAN na nasasabi lamang ito ni Panelo dahil hindi nito nararanasan ang kalbaryo ng mga ordinaryong commuter.

Bilang tugon, sinabi ni Panelo na bukas, Biyernes ay sasakay siya ng jeep at LRT sa kanyang pagpunta sa kanyang opisina sa Malakanyang.

0 comment

Related Posts