Anti-drug ops sa Cebu kung saan 19 ang nasawi ipinasisilip
October 11, 2018
ISAFP chief Maj. Gen. Macairog Alberto itinalaga bilang bagong Army commanding general
October 11, 2018
Show all

Panelo itinalaga bilang bagong tagapagsalita ng Pangulo

Kinumpirma ng Palasyo na si Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang tatayong bagong tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte simula Lunes, Oktubre 15.

Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go matapos ihayag ng Punong Ehekutibo na si Panelo ang kanyang nais na maging susunod na spokesman na posibleng mamuno rin sa ibabalik na Office of the Press Secretary.

Wala namang impormasyon kung alam na ni Atty. Harry Roque ang impormasyon na si Panelo na ang hahalili sa kanya bilang Presidential spokesman.

Matatandaan na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakapagdesisyon si Roque kung itutuloy niya ang pagtakbo sa darating na 2019 midterm elections.

Ulat ni Jopel Pelenio

Comments are closed.