Panawagang ibaba ang taripa sa imported na isda at karne lumakas pa

0
50

Nadagdagan pa ang panawagan sa Pangulong Rodrigo Duterte na ipababa ang taripa sa imported na isda at karne.

Ayon kay Congressman Arthur Yap, magiging mas mababa pa sa limang porsyento ang inflation rate kapag nagpatupad ng zero tariff sa isda at karne.

Maliban dito, makakahinga rin ang mga consumers mula sa ilang buwan nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Binigyang diin ni Yap na kailangan ring balansehin ang pag import at pagbibigay proteksyon sa mga lokal na produkto

Ang unang nagmungkahi ng pagtapyas ng taripa sa isda at karne para makontra ang pagtaas ng inflation rate ay si House Speaker Gloria Arroyo.

—-