33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Panawagan ni Duterte na mutual defense treaty sa Amerika ‘joke’ lang – Carpio

- Advertisement -

Kumpiyansa si Associate Justice Antonio Carpio na isa na namang panibagong joke ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan nito sa Estados Unidos na i-invoke ang mutual defense treaty upang maresolba na ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Carpio, tiwala siyang alam ng pangulo na iiral lamang ang naturang military treaty kung may nangyaring foreign armed attack sa Pilipinas.

Kung saan, malinaw anya na wala namang nangyaring anumang pag-atake ng ibang bansa sa Pilipinas.

Una rito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na “sarcastic” lamang ang naging hamon ng pangulo.

Matatandaang namang tiniyak na ni U.S. Sec. of State Mike Pompeo na susuportahan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa oras na may mangyaring pag-atake mula sa ibang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -