Panatilihin ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino — DOLE

Panatilihin ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino — DOLE

by Powered by DWIZ
0 comment 88 views

Umapela si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employer na panatilihin ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Ito ayon kay Bello ay para matiyak ang regular na trabaho ng mga manggagawa at matulungan ang gobyerno laban sa illegal contractualization o endo.

Nakaabot kay Bello ang ginagawang pag abuso ng ilang employer sa probationary status ng isang empleyado kung saan matapos ang anim na buwan na pagiging probationary ay hindi na mare-renew ang mga kontrata ng mga ito.

Umaasa naman si Bello na kapag tuluyan nang naisabatas ang Security of Tenure Bill, mababawasan na ang bilang ng mga hindi mare-regular kapag natapos na ang kanilang probationary.

0 comment

Related Posts