Pananatili ng mataas na trust at approval rating ng Pangulong Duterte ipinagmalaki ng Palasyo

by Powered by DWIZ
0 comment
Pananatili ng mataas na trust at approval rating ng Pangulong Duterte ipinagmalaki ng Palasyo

Patunay na nasa tamang direksyon ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar matapos lumabas ang pinaka-bagong survey ng Pulse Asia na umangat sa 81 percent mula sa dating  76 percent ang trust at approval rating ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Andanar, patuloy ang Duterte administration sa pagsasakatuparan ng pangarap ng pangulo na bigyan ng komportableng buhay ang lahat, paglaban sa illegal drugs, kriminalidad at korapsyon.

Tiniyak din ng PCOO official na habang katuwang ng punong ehekutibo ang buong gabinete ay hindi mananawa ang pamahalaan na tuparin ang mga programang para sa mga mamamayan.

Related Posts