Panalangin para sa ulan ipinanawagan ni Cardinal Tagle

by Powered by DWIZ
0 comment
Panalangin para sa ulan ipinanawagan ni Cardinal Tagle

Nananawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng sabay-sabay na panalangin para magkaroon ng ulan.

Ito ay gitna ng banta ng El Niño phenomenon sa ilang lugar sa bansa at nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Sa ipinalabas na sulat ni Tagle, kanyang biniyang diin ang kahalagahan ng panalangin sa nararanasang krisis sa bansa.

Hinimok ni Tagle ang lahat na sabay-sabay hilingin sa panginoon na ipagkaloob ang biyaya ng ulan na matinding kinakailangan ngayon ng lahat lalo na sa Luzon para maiwasan ang pinsala sa pananim at kabuhayan.

Related Posts