Pamilya ni hazing victim Atio Castillo kumpiyansang guilty ang ihahatol sa mga akusado

by Powered by DWIZ
0 comment
Pamilya ni hazing victim Atio Castillo kumpiyansang guilty ang ihahatol sa mga akusado

Kumpiyansa ang pamilya ng hazing victim na si Atio Castillo na guilty verdict rin ang magiging hatol sa mga akusado sa krimen.

Pahayag ito ni Ginang Carmina Castillo, ina ni Atio matapos sentensyahang guilty sa obstruction of justice si John Paul Solano, ang nagdala sa ospital kay Atio matapos sumailalim sa hazing ng ‘Aegis Juris Fraternity’ noong September 2017.

Ayon kay Ginang Castillo, ang sentensya kay Solano ay pahiwatig na matibay ang ebidensya nila laban sa mga nagpahirap sa kanyang anak na ikinamatay nito.

Parang pinakinggan na po ng korte na talagang meron pong naganap na pagtatakip, pagtatago ng mga ebidensya, pagligaw sa mga imbestigasyon ng mga pulis. Nakikita ng court na meron ngang obstruction. So, mapapagtibay nito ‘yung mga salaysay ng mga nasa hazing, ‘yung mga sampu. Plus ‘yung kamukha po nu’ng mga iba pang miyembro ng ‘Aegis Juris’ na pangalanan ni Mark Ventura ‘yung aming witness na isasama na rin namin sa anti-hazing, ‘yung mga nagkaroon ng direct participation, nagplano,” pahayag ni Castillo.

Sa ngayon ay nasa bail hearing pa lamang ang estado ng kasong hazing laban sa sampung (10) akusado na pawang mga opisyal at miyembro ng ‘Aegis Juris Fraternity’ na nakabase sa University of Sto. Tomas (UST).

Sinabi ni Ginang Castillo na umaasa silang dedesisyunan na rin kung papayagang makapagpiyansa o hindi ang mga akusado upang makausad na ang pagdinig sa hazing case.

Si Atio Castillo ay freshman law student ng UST noong maganap ang hazing.

Sa susunod naman po, meron po tayong, kung natatandaan po ninyo ‘yung group chat, ngayon magpapagtibay talagang habang si John Paul Solano dinala po niya ‘yung anak namin sa Chinese General Hospital, matatandaan ninyo na sa kabilang side naman, sa Quezon City nagkakaroon sila ng meeting para pagtakpan kung ano ‘yung dapat gawin,” paliwanag pa ni Castillo.

Ratsada Balita Interview

Related Posts