29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pamilya Batocabe hangad ang agarang pag-isyu ng warrant of arrest vs. Baldo

- Advertisement -

Umaasa ang pamilya Batocabe na makapagpalabas na ng warrant of arrest ang korte laban kay Daraga, Albay Mayos Carlwyn Baldo.

Ito’y matapos maghain ng patung-patong na kaso ang Department of Justice (DOJ) laban kay Baldo kaugnay sa pagkakapatay kay Congressman Rodel Batocabe.

Sinabi ni Justin Batocabe, anak ng pinaslang na congressman, na sana ay maging matapang ang mga husgado sa lalawigan ng albay kagaya ng pulisya at piskal ng Camarines Sur na nakabuo kaagad ng kaso at isinampa sa Legazpi Regional Trial Court (RTC) laban kay Mayor Baldo.

Pinakamahalaga aniya ang warrant of arrest upang agad nang maikulong ang naturang alkalde at upang umusad na ang kaso.

May ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -