Pamamahagi ng ‘nutribun’ binuhay sa Marikina City

Pamamahagi ng ‘nutribun’ binuhay sa Marikina City

by Powered by DWIZ
0 comment 39 views

Binuhay sa Marikina City ang programang pamamahagi ng nutribun sa mga mag aaral sa mga public school.

Layunin nitong mabigyan ng tamang nutrisyon at maiwasan ang malnutrisyon sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, labis na nakakaapekto ang malnutrisyon sa school performance ng mga mag-aaral kaya’t muli nilang binalik ang naturang programa.

Una nang ipinatupad ang nutribun program noong 1971 sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos bilang tugon sa tumataas na bilang ng malnutrisyon sa bansa.

‘’Ang nutrisyon, nakaka apekto sa kanilang school performance kaya ninais natin na ibalik itong tinatawag nating nutribun, ipamimigay ito sa mga nag aaral nating grade 1 dito sa Marikina para sa ganon walang nagugutom, yung malnutrisyon wala. Ang gagawin natin dito, sa simula ng programa, titimbangin at i-a-assess natin ang mga bata, titingnan natin kung tama yung timbang niya sa kanyang edad at isasailalim siya sa programa natin at bibigyan ng gatas at tinapay na pwede niyang inumin. Ang nutribun natin may iba’t ibang flavor para hindi sila nagsasawa.’’— Si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro sa panayam ng DWIZ.

 

(Balitang Todong Lakas interview)

0 comment

Related Posts