Palasyo walang timeline sa rehabilitasyon ng ‘Yolanda-hit areas’

by Powered by DWIZ
0 comment
Palasyo walang timeline sa rehabilitasyon ng ‘Yolanda-hit areas’

Walang direktang matukoy na timeline ang Malakanyang kung kailan makukumpleto ang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda, limang taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Slavador Panelo, may mga bagay na nakakapagpabagal sa pagtatayo ng mga bahay para sa mga biktima ng nabanggit na kalamidad.

Paliwanag ni Panelo, kailangan pa kasi aniyang matiyak na naroroon na sa mapipiling lugar na pagtatayuan ng mga bahay ang mga pangunahing pangangailan ng mga maninirahan doon.

Gayunman, umaasa pa rin aniya ang Malakanyang na sa susunod na taon, makukumpleto na ang rehabilitasyon sa mga lugar na winasak ng bagyong Yolanda.

Related Posts