Palasyo tiwalang magiging pastol ni Pangulong Duterte ang susunod na House speaker

Palasyo tiwalang magiging pastol ni Pangulong Duterte ang susunod na House speaker

by Powered by DWIZ
78 views

Tiwala ang Malakaniyang na magiging pastol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na speaker ng Kamara para maisulong ang legislative agenda ng administrasyon.

Kasunod na rin ito ng pag endorso ng ruling party PDP Laban kay Marinduque Congressman Lord Alan Velasco bilang kandidato sa pagka House speaker.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw ang polisiya ng pangulo na hindi makikialam sa pagpili ng susunod na lider ng Kamara.

Sa halip, inihayag ni Panelo na itutuon na lamang ng pangulo ang atensyon nito sa pamamahala sa Pilipinas kaysa makisawsaw sa pulitika.

Ayaw din aniya ng pangulo na makasakit ng damdamin dahil pawang mga kaalyado nito ang nangangarap maging speaker of the house na sina Congressman Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez at Pantaleon Alvarez.

0 comment

Related Posts