28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Palasyo tiniyak na mananatili sa puwesto si Duque

- Advertisement -

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na mananatili sa puwesto si Health Sec. Francisco Duque III.

Ito ay kaugnay ng alegasyon ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson kung saan isiniwalat nito na may “conflict of interest” ang nakuhang kontrata ng kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya ng kalihim.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hahayaan nilang sumalang si Duque sa ikinakasang imbestigasyon ng senate blue ribbon committee kaugnay ng naturang isyu.

Paliwanag ni Panelo, hindi nila pangungunahan ang senado dahil tungkulin nitong busisiin ang sinumang sangkot sa korapsiyon.

Aniya, habang wala pang resulta ang imbestigasyon ay maituturing na inosente si Duque.

Samantala, una na namang itinanggi ni Duque ang mga paratang ni Lacson.

Muli namang nanindigan si Duque na walang katotohanan ang naturang alegasyon dahil dumaan aniya sa masusi at tamang proseso ang mga kontratang nakuha ng  Doctors Pharmaceuticals Incorporated.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -