35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Palasyo ‘di ibibigay sa UNHRC ang drug war campaign records kung ipapahiya lang ang bansa

- Advertisement -

Walang balak ang Malakaniyang na ibigay ang record ng Philippine National Police o PNP sa anti-drug war campaign sa United Nations Human Rights Council o UNHRC.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay kung gagamitin ang naturang datos para ipahiya lamang ang Pilipinas.

Kasabay nito, hinikayat ni Panelo ang publiko na paniwalaan ang tala ng PNP dahil hindi nila aniya trabahong baguhin ang ulat.

Giit ni Panelo, nais lamang ng pulisya na panatilihin ang peace and order sa bansa.

Magugunitang batay sa inilabas na ulat ng ibang human rights group aabot sa mahigit 20,000 ang napatay sa kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon samantalang kung pagbabasehan ang talaan ng PNP ay nasa mahigit 6,000 lamang na drug personalities ang nasawi sa mga drug operation.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -