Palasyo blanko pa sa lalamanin ng SONA 2019

Palasyo blanko pa sa lalamanin ng SONA 2019

by Powered by DWIZ
0 comment 81 views

Blanko ang Malacañang sa posibleng lamanin ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, gaya ng mga nakaraang SONA, posible aniyang maging spontaneous ulit ang pangulo kung saan may mga isinisingit na personal na mensahe para sa taumbayan.

Bagama’t aniya may nakahandang script para sa SONA, kung minsan ay hindi ito lahat nababasa ni Pangulong Duterte sa halip ay hindi maiwasan na sa kaniya mismo manggaling ang mensahe.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ayaw niya munang pangunahan ang pangulo kung ano ang kaniyang ilalatag sa publiko sa kaniyang SONA sa July 22.

0 comment

Related Posts