Pahayag ni Sison kaugnay ng localized peace talks, sinopla ng AFP

by Powered by DWIZ
0 comment
Pahayag ni Sison kaugnay ng localized peace talks, sinopla ng AFP

Hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng miyembro ng CPP-NPA at NDF na sumuko na sa mga awtoridad at huwag nang hintayin pa na sila ay arestuhin.

Ito ang panawagan ni AFP Spokesman B/Gen. Edgard Arevalo sa mga miyembro ng komunistang grupo matapos tuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang taong pakikipag negosasyon sa kanila ng pamahalaan.

Sa panayam ng DWIZ kay Arevalo, pinatunayan lang ng CPP-NPA sa pamumuno ni Jose Ma. Sison na hindi talaga sila sinsero sa pagkakamit ng kapayapaan bagkus ay ang tanging hangarin nila ay agawin ang poder mula sa pamahalaan.

“Eh wala na pong dahilan upang sila ay patuloy na makayaot dito at kailangan na po isuko nila ang kanilang sarili because their safe conduct passes had effectively been revoked at kung hindi sila susuko ng boluntaryo ay maaari silang arestuhin validly anytime. Ito na po ang pagkakataon, bumaba na po sila sa kabundukan i-take advantage po nila ang napaka-gandang programa ito ng ating pamahalaan sapagkat wala na po kauuwian ang kianilang grup at ‘yan po ang patuloy na pagka-buwag sa nalalapit na hinaharap.” Pahayag ni Arevalo.

Binuweltahan din ni Arevalo si Sison na nagsabing kalokohan lang ng pamahalaan ang ginagawa nilang localized peace talks dahil sa gawa-gawa lamang iyon ng AFP para palabasing bumabagsak na ang puwersa ng NPA.

“Nakakatuwang, nakakainis, nakakaawa si Ginoong Sison sapagkat lahat po yan ay sinasabi niya, pagsasayang lang po ng panahon, pagsasayang daw ng pondong bayan ang ginagawang peace negotiation na ‘yan sa local sapagkat hind daw ‘yun magtatagumpay. Alam po niya na nagtatagumapay kaya nga po ganyan ang kanyang ginagawa at patuloy niyang sinisiraan ang programa na yan.” Ani Arevalo.

interview from Todong Nationwide Talakayan

Related Posts