Pahayag ni Duterte sa ‘Recto Bank incident’ idinepensa – DA sec

by Powered by DWIZ
0 comment
Pahayag ni Duterte sa ‘Recto Bank incident’ idinepensa – DA sec

Idinepensa ni Agriculture secretary Manny Piñol ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na banggaan lang ng dalawang barko ang nangyari sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Piñol, ibinase lamang ng pangulo ang kanyang pahayag sa testimonya ng cook ng bangkang pangisda ng mga Pinoy na anya ay pinaka-reliable witness sa insidente.

Batay anya sa pahayag ng kusinero, posibleng hindi sila nakita ng Chinese vessel dahil dalawa lamang ang ilaw nila noong panahong ‘yon, isa sa kusina at isa sa may puwesto ng kapitan.

Ipinaliwanag ni Piñol na mas kapani-paniwala ang cook dahil gising ito nang mangyari ang insidente samantalang tulog ang iba pang kasamahan nya kasama na ang kanilang kapitan.


China obligadong imbestigahan ang ‘Recto Bank’ incident

Obligado ang China na imbestigahan ang pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Agriculture secretary Manny Piñol, napag-usapan sa cabinet cluster meeting kung ano ang isinasaad ng batas sa mga ganitong insidente.

Sa ilalim anya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang bansa ng barko na pinaniniwalaang nakabangga ang dapat na magsimula ng imbestigasyon.

Gayunman, sinabi ni Piñol na maaari rin namang magsagawa ng sariling internal investigation ang Pilipinas upang alamin kung ano ang tunay na nangyari.

Related Posts