28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pagturo kay Roxas na nag-utos ipapatay si Loot ‘joke lang’—Palasyo

- Advertisement -

Muling tinawag na ‘joke only’ ng Malacañang ang pagturo ng Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Senador Mar Roxas na siya umanong nag-utos na ipapatay si dating Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot.

Pinuna ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagtawa ng maraming nanunuod na nakaintindi sa biro ng Pangulong Duterte.

Ayon kay Panelo, maaaring naidugtong lamang ang pangalan ni Roxas dahil alam naman ng lahat na protege’ nito ang alkalde.

Sa kanyang speech sa Davao City, sinabi ng Pangulo sa salitang Bisaya na hindi siya ang nag-utos na patayin si Loot kundi si Roxas.

Matatandaan na isa si Loot sa mga dating police general na kasama sa listahan ng Pangulo na protektor di umano ng drug lords.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -