33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagtanggal sa filipino at panitikan bilang asignatura sa kolehiyo suportado ni Escudero

- Advertisement -

Suportado ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ang naging desisyon ng Korte Suprema na tanggalin ang filipino at panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.

Nilinaw ng senador na sa ruling na ito ng Korte Suprema ay binigyan nito ng kapangyarihan ang CHED o Commission on Higher Education na italaga ang curriculum sa kolehiyo.

Ngunit hindi naman talaga nito ipinagbawal na ituro ang nasabing subject sa tertiary level.

Magugunitang, idineklarang konstitusyonal ng Korte Suprema ang R.A 10533 na nagpapalawig sa 12 taon ng basic education at sa ilalim nito nagkaroon ng kapangyarihan ang CHED na pag-aralan at baguhin ang curriculum upang matugunan ang mga hamon sa edukasyon.

“Para sa akin ay tamang polisiya yun. Hindi naman talaga dapat ay nakaukit sa bato o nakatalaga sa batas kung ano yung mga subject na ilalagayn natin sa curriculum dahil nagbabago yan at yung mga pangangailangan din ng ating mga estudyante at mga magsisipagtapos ay nagbabago din. Dapat makasabay yan sa panahon”

(From Usapang Senado interview)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -