30 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pagtangay sa datos ng ilang passport holder iimbestigahan na

- Advertisement -

Iimbestigahan na ng National Privacy Commission o NPC ang isiniwalat ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na tinangan ng dating passport production contractor ng DFA ang datos ng ilang passport holder.

Ayon sa NPC, kanilang pagpapaliwanagin ang mga DFA official maging ang hindi pa pina-pangalanang foreign passport contractor.

Inihayag ng NPC na dapat matiyak na hindi mako-kompromiso ang anumang personal na impormasyon ng passport holder.

Maraming bagong aplikante anila ang posibleng maabala dahil kailangang magsumite ng panibago at orihinal na kopya ng birth certificate para sa passport renewal.

Ito’y makaraang aminin ng DFA na kailangan nilang buuing muli ang kanilang database dahil wala na sa kanilang kamay ang physical copy ng  dokumentong isinumite sa kanila ng mga aplikante nang mag-apply ng pasaporte ang mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -