Mga guwardiyang nahuling nakasuot ng costume pinagmumulta
November 9, 2018
Libu-libong pamilya nakatira pa rin sa danger zone sa Tacloban City
November 9, 2018
Show all

Pagtaas ng SSS contribution isasabatas na ng Kongreso

Isasabatas na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pagtaas sa kontribusyon ng mga Social Security System (SSS) members.

Ito ay matapos pagtibayin ng bicameral conference committe ang Social Security Act Of 2018, kung saan nakatakdang itaas sa 12 porsyento ang SSS contribution sa 2019 mula sa kasalukuyang labing isang porsyento.

Habang, nakatakda naman na umakyat pa ito sa 15 porsyento sa taong 2025.

Samantala, kailangan pa rin itong maratipika ng senado at pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito maging ganap na batas.

Comments are closed.