Pagsubasta sa mga alahas ni dating unang ginang Imelda Marcos tuloy na

Pagsubasta sa mga alahas ni dating unang ginang Imelda Marcos tuloy na

by Powered by DWIZ
0 comment 55 views

Inabisuhan na ng Malacañang ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na tuloy na ang pag-subasta sa mga alahas ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ito’y ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, kung saan kinumpirma nitong nag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng kautusan noong Lunes, Hunyo 3, hinggil sa pagsubasta ng Marcos jewelry collection.

Dahil dito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat umpisahan na ng PCGG ang proseso ng pagsubasta ng mga naturang alahas.

Una rito, sinabi ni Panelo na tututulan ng Malacañang ang anumang tangkang pag-harang sa public auction sa mga alahas.

The PCGG should now undertake the process of auctioning the Marcos jewelries.” pahayag ni Panelo.

0 comment

Related Posts