Pagsasampa ng kaso laban sa Manila Water pinag-aaralan na

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagsasampa ng kaso laban sa Manila Water pinag-aaralan na

Pinag aaralan na ng Bayan Muna ang pagsasampa ng class suit laban sa Manila Water company.

Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, marami na ang dumudulog sa kanila upang humingi ng legal na remedyo sa dinaranas nilang kalbaryo dahil sa kawalan ng tubig.

Kasabay nito, iginiit ng Bayan Muna ang pagtutol nila sa Kaliwa dam project na sinasabing tugon sa kakulangan ng supply ng tubig sa Metro Manila.

Pinuna ni Colmenares na tila ginagamit ng administrasyon ang kawalan ng tubig mula sa Manila Water company upang bigyang katwiran ang multi-bilyong pisong dam project na popondohan ng China.

—-

 

 

 

 

Related Posts