Pagsasampa ng kaso laban sa Kapa Ministry tuloy parin

Pagsasampa ng kaso laban sa Kapa Ministry tuloy parin

by Powered by DWIZ
112 views

Tuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso laban sa Kapa Community Ministry International kahit pa walang nagrereklamo sa mga miyembro nito.

Ayon kay Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, ang Department of Justice ang siyang magsasampa ng kaso laban sa Kapa kapag nakitaan ng probable cause ang kasong isasampa laban sa mga lider ng grupo.

Binigyang diin ni Nograles na hindi magkakaroon ng special treatment dahil dadaan sa proseso lahat at bibigyan ng tiyansa ang masasakdal sa korte.

Sinabi pa ni Nograles na malinaw na hindi naman donasyon ang ipinagkaloob ng mga miyembro dahil umaasa sila na magkakaroon ito ng tubo na tinatawag nilang blessing.

0 comment

Related Posts