Pagsasagawa ng deportation raids vs. undocumented migrants ipinag-utos ni Trump

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagsasagawa ng deportation raids vs. undocumented migrants ipinag-utos ni Trump

Kinumpirma ni U.S. President Donald Trump na ipinag-utos na niya ang pagsasagawa ng deportation raids laban sa mga undocumented migrants.

Ayon kay Trump, iligal kasi na dumating sa Estados Unidos ang mga migrants kaya’t dapat lamang itong ibalik sa mga pinanggalingan nitong bansa.

Anya, target ng ikakasang raid ang mga illegal migrants na may kinakaharap na kaso kabilang na ang mga miyembro ng gang.

Samantala, bagamat target ng operasyon ang kriminal na migrants, huhulihin pa din naman ang mga indibidwal na dumating sa Estados Unidos na hindi dumaan sa tamang proseso.

Related Posts