30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagsasabatas ng rice tarrification bill muling ipinanawagan ng NEDA

- Advertisement -

Muling ipinanawagan ng National Economic and Development Authority o NEDA sa mga mambabatas ang pagpasa sa rice tariffication bill na nakikitang solusyon upang mapababa ang presyo ng bigas.

Kabilang ang nabanggit na panukula sa naging laman ng ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang ipinanawagan din ni Pangulong Duterte ang agarang pagpasa sa batas na nag-aamyenda sa Agricultural Tariffication Act of 1996.

Ayon kay NEDA Director-General Ernesto Pernia, ang rice tariffication ang solusyon upang mapahupa ang inflation at paghusayin ang agriculture sector.

Wala na anyang dapat sayanging panahon sa halip ay suportahan ang mga isinusulong na reporma ng administrasyong Duterte partikular sa sektor ng agrikultura.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -