Pagsama sa korupsyon bilang isa sa mga krimen na dapat patawan ng death penalty iminungkahi

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagsama sa korupsyon bilang isa sa mga krimen na dapat patawan ng death penalty iminungkahi

Iminungkahi ng isang commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na isama ang korapsyon bilang isa sa mga heinous crimes na maaring patawan ng parusang kamatayan.

Iginiit ni PACC Commissioner Greco Belgica na dapat parusahan ng death penalty ang mga government officials na mapapatunayang sangkot sa korapsyon.

Nakukulangan daw siya sa mga batas ngayon laban sa korapsyon kaya mayroon pa rin daw matatapang at malalakas ang loob na magnakaw sa kaban ng bayan.

Ayon kay Belgica, ang pagsama sa korapsyon sa mga krimen na dapat patawan ng parusang kamatayan ay hindi lamang para magsilbing “fear factor” sa mga government officials.

Higit sa lahat, ito raw ay para na rin maibigay ang nararapat na hustisya sa bansang pinagnakawan ng mga opisyal na ito.

Related Posts